Friday, December 2, 2016

Aking Ina by Jonna Chingco



Sa siyam na buwan nang iyong pagdadala,
Sa akin, hirap iyong ininda,
Di matatawaran ang iyong pagkalinga,
Sabi pa sa akin, pagdating ko'y lubos na gayak ang iyong nadama.


Habang lumalaki ako'y nanjan ka,
Na tumatayo sa akin tuwing nadadapa,
Sa araw na ako'y may dinarama,
Ika'y nanjan, para saaki'y mag-alaga.


Aking ina, maraming salamat sa lahat-lahat ng iyong suporta,
Sa oras ng problema ay parating nanjan ka,
Ako'y wala ngayon dito, kung hindi dahil sayo,
Sa paghihirap at sakripisyo na iyong ginawa kasama si itay,
Salamat muli aking ina, Mahal kita


Kahit na aking hindi masabi na mahal ka,
Sana'y iyo paring madama,
Patawarin sana ako sa mga nagawa kong hindi maganda,
Ngunit sana malaman at maparating ko, sa pamamagitan ng aking gawa ang aking kalinga na sayo'y alay.