Thursday, November 10, 2016

Pagkakapantay-pantay Tungo sa Tagumpay


Bakit nga ba?
Sa mundong puno ng panghuhusga
Mula sa mga taong hindi nakikita ang sarili nila
Bakit kailangang manakit at masaktan pa?

Tayo'y pantay-pantay
Ngunit ibinabase nila sa kulay
Sa relihiyon maging sa estado ng buhay
Ito ba'y hamon lang ng buhay?

Ikaw na mapanghusga
Tila puso't isip mo'y nalason na
Ng kamangmangang ikaw lang ang nakakakita
At salitang deskriminasyon ang naging bunga

Hindi mo ba alam na nakakasakit kana?
Sama ng loob ang kanyang nadarama
Ngunit ito'y tinatago lamang ng iyong biktima
Sa kasinungalingang sabik, saya at tawa
Taliwas na luha sa likod ng kanilang mga mata.

Hindi sa mukha, hindi sa ganda
Hindi sa kulay, kung puti o itim pa
Hindi rin sa edad, kung matanda o bata pa
Dahil ang respeto ay hindi nakabase sa mga mata

Itigil ang panghuhusga
Tara na't tayo'y magkaisa
Diskriminasyon ay lisanin na
Irespeto at mahalin ang bawat isa



credit to: Josefa Rodriguez

1 comment:

  1. Casino | Nearby Attractions, Casinos & Entertainment
    Looking 하남 출장샵 for a 아산 출장마사지 place 경상북도 출장안마 to getaway? At MapYRO, you'll be in 경산 출장안마 the right place. Your best bet is in 시흥 출장마사지 our Casino Nearby Attractions section.

    ReplyDelete