Wednesday, January 18, 2017

Shallow

               Bakit nga ba tayo mabababaw? Masakit na katanungang may malaking pahayag. Mga kilos at pag-uugali na hindi natin napapansin ang nakikitaan ng pagiging mababaw natin. Tayong mga Pilipino ay mga talentado, ngunit pinapagpatuloy pa rin natin ang pagiging mababaw. Ito ba’y dala ng kulturang ating kinagisnan? Pati sa pagbabasa ay mukhang atin ng tinalikuran. Ito ang mas nagpapakita ng ating pagkababaw, dahil ni hindi natin magawang magbasa. Kung akala mo’y alam mo na ang lahat, doon ka nagkakamali. Subukang magbasa sapagkat malaki ang maitutulong nito sa atin.
            Isa ako sa taong mababaw, ngunit hindi lahat ng mababaw ay negatibo, may mga katangian tayo na hindi naman talaga nagpapakita ng mababaw kundi ito’y ugali na hindi dapat paunlarin. Taliwas sa inyong pagkakaalam ang taong mababaw sa mabuting paraan ay nagpapakita ng hindi kailangan ng malaking halaga o mga bagay na mahirap kunin para maging masaya, nagpapakita rin ito ng pagiging kontento ng tao. Ang mga taong hindi nakokontento ay ang mga taong nagiging masama, dahil sa mga hangad nila. Mas marapat na magpasalamat sa kung anong meron ka. Alam niyo rin ba na ang mga taong mababaw ay marunong magpahalaga sa mga maliliit na bagay. Ganunpaman alam ko ang kahalagahan ng pagbabasa, dahil ito’y nakapagpapalawak ng ating isipan at nakapagdaragdag ng mga bagong kaalaman, ngunit dahil na rin sa mga makabagong gadgets ay nawawalan na ang karamihan ng interes sa pagbabasa ng mga libro at nagiging tamad na rin dahil sa teknolohiya.

            Tanggapin natin ang mga masakit na katotohanan, dahil mas mabuti ng tayo’y masampal ng katotohanan na makapagpapagising at makapagbabago sa ating kamalian kaysa sa halikan nang kasinungalingang magpapalala ng sakit sa oras na ito’y huli na. Atin ring baguhin ang ating pananaw. Gawing inspirasyon ang ating kamalian patungo sa maganda at bagong pamumuhay na dito’y magsisilbing aral sayo. Huwag magpapaapekto sa kung anong sabihin nila, manatiling mapagkumbaba sa lahat ng bagay. Alamin muna ang katotohanan ng iyong narinig sa iba, upang magkaroon ng sapat na kaalaman para huwag maloko ng mga taong mapagsamantala. Higit sa lahat ay magkaroon ng mabuting ugali o asal dahil ito’y hindi natututunan o nababago ng basta-basta.

SALAMAT

Buhay ko’y mahahalintulad sa basura,
Kung sa aking buhay ay wala ka.
Sa simula’t simula ng pagmulat ng aking mga mata,
Sa mundong ito na mapanghusga.

Habang ako’y nagkakamuwang,
Nakikita ang mundong mapanglamang,
Nag-iimpluwensiya sa mga taong walang muwang,
Ngunit ika’y nandiyan upang kami’y iyong hagkan.

Isang lalakeng hindi alam,
Ang salitang paalam,
Tila isang sundalo,
Na kayang sugurin ang kalaban.

Mga problema’y biglang dumating, tila isang bagyo,
Ako’y nanlumo sa pinagdaraanan kong ito,
Kaya sa kaniya’y dumistansya na hilaga’t timog ang layo,
Tinahak ang mundong mapaglaro.


Akin ko na siyang tinataboy,
Masasakit na salitang tila apoy,
Ngunit ito’y kaniya lamang ininda na parang mahinang panaghoy,
Siya’y naging manhid tulad ng kahoy,

Sa aki’y hindi sumuko,
Nanatili sa tabi ko,
Paglipas ng mga araw naisip ko,
Lahat-lahat ng mga ginawa mong sakripisyo.

Lahat sila ako’y iniwan,
Sa pagkakamali na gawa ng kasalanan,
Ngunit ika’y nandiyan pa rin,
Ako’y hindi mo sinukuan.

Maraming salamat, akin nang napagtanto,
Sa kabila ng mga hindi magandang nagawa ko,
Ika’y nanatili sa tabi ko,
Ako’y talagang mahal na mahal mo,

Salamat saiyo Jesu Kristo, na tagapagligtas ko.

Libro at Internet

          Sa panahon ng internet may laban pa ba ang mga libro? Magbabasa ka pa ba ng mga libro upang makuha ang mga sagot sa mga katanungan ng isip mo o uupo na lang at hahanap sa kompyuter at sa isang klik ay may kasagutan na sa iyong katanungan? Tama ang nasa Internet, tama rin ang nasa Libro. Nasa gumagamit nalang at umiintindi kung paano niya ito gagamitin at maisasabuhay ang mga silbi nito. Sa larangan ng pananaliksik Internet at mga Libro ang pangunahing batayan para maisagawa ang pagpapalaganap ng mga bagong tuklas ng siyentipiko at sa araw-araw na paglilimbag. Ang Internet at ang mga libro ay sumasaklaw sa parehas na lebel sa buhay ng tao, may mga taong nalilibang sa Internet at mayroon naman na mas nalilibang sa pagbabasa ng libro.
Ang Libro at Internet ay parehong mapagkukuhanan ng impormasyon. At makatutulong sa mga mag-aaral na makakuha ng sagot sa kanilang mga takdang aralin maging sa kanilang indibidwal na katanungan. Ito rin ay nakatutulong sa pagdagdag ng kanilang kaalaman patungkol sa mga bagay bagay.
Ang libro o aklat ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa papel. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito. Maaring ito ay magdulot ng kabigatan sa  pagdadala dahil sa  pagiging makapal o sa rami ng pahina nito. Ngunit sa kabataang nakikita natin na mayroong dalang libro ay nagpapakita ito sa kaniya ng pagiging masipag, sapagkat kahit na ganun kabigat ang mga librong kaniyang dala ay nagtitiyaga parin siyang dalhin iyon upang basahin at magkaroon ng ideya o kaalaman patungkol sa paksa ng librong kaniyang dala. Bawat nakapaloob na impormasyon sa Libro ay reliable hindi katulad ng nasa internet katulad ng Wikipedia, sapagkat ang wkipedia ay kahit sinong gustong maglagay ng impormasyon ay maaari, kaya hindi mo masasabing reliable ito.
Samantala, ang Internet o teknolohiya ay ginagamit upang mas mapadali ang mga bagay bagay. Maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anumang social networking sites tulad ng facebook at iba pa. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa Internet.
            Ang mga kabataan sa panahon ng teknolohiya nagiging maunlad ang antas. Sa mga nagaganap dito o mga pangyayari ay mas madali nating nalalaman dahil sa teknolohiya. Sa pamamagitan din ng paggamit ng teknolohiya ay mas napapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra, at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya. ito ay nakadudulot ng pagiging tamad ng kabataan ngayon. Dahil na imbis na ang isipa’y kanilang gamitin, sa kompyuter na sila umaasa. Sa pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon. Ito rin ay malaki ang impluwensya lalo na sa larangan ng gaming, maaaring makasira o makaapekto ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
            Ang libro at internet ay maaari rin magsanhi ng paglabo ng ating mga mata. Dahil sa radiation ng kompyuter at kung ang mga letra sa libro ay maliliit. Itong dalawang instrumento na parehong may malaking pakinabang sa kabataan ngunit ating alamin ang mga limitasyon sa paggamit nito, huwag itong abusuhin sa paggamit. Dahil sabi nga, lahat ng sobra ay masama.

 

Friday, January 13, 2017

DISADVANTAGES OF MEDIA


People nowadays are almost engage to the technology, and I know that all of us knows facebook, google, instagram is. Did you know how long you provide your time in using social media? I think we are not aware of it. Media is a thing that is very helpful to us especially on finding answers in our assignment, sharing our thoughts, beliefs, and life in others, also provide completely connectivity. However, all things that is too much is bad. So, it is always have negative effects. Based on study that conducted by the University of Maryland, the majority of students are “incredibly addicted to social media”. That’s why media is the most influential thing.
          There is a case that children were putting themselves in danger. One of the reasons of it is curiosity. That can easily find or see by using social media. Many of us have a wrong perspective in things and also in life. Many false articles that have been published in social media can affect the people’s belief. It means that media can manipulate the mind of the user and make change to the attitude of the persons towards people who is around him.
          Maybe we are not aware of the effects of media to us. There is an extensive range of mental and health problems known to be associated with spending too much time on social media. In addition to reducing productivity, creating distractions and increasing burn outs, they can cause some serious medical issues, also causes laziness. The lack of social interaction could result in people suffering from disorders than before, and according to Dr. Aric Sigman, being reduced to human interaction time and problems like suffering stroke, colds and cognitive problems.

          Instead of spending your time in social media. Why don’t you try to make a better moments with your family, friends and others? Making memories with them would not fade by simple things that you get from media. It won’t give you the happiness that family and friend might done for you or they do just to make have fun with the things that media cannot do, and also being loved. Don’t waste your time with nonsense thing because it says that regretting is always in the end.

Features of Web 2.0