Buhay ko’y
mahahalintulad sa basura,
Kung sa aking
buhay ay wala ka.
Sa simula’t
simula ng pagmulat ng aking mga mata,
Sa mundong
ito na mapanghusga.
Habang ako’y
nagkakamuwang,
Nakikita ang
mundong mapanglamang,
Nag-iimpluwensiya
sa mga taong walang muwang,
Ngunit ika’y
nandiyan upang kami’y iyong hagkan.
Isang
lalakeng hindi alam,
Ang salitang
paalam,
Tila isang sundalo,
Na kayang
sugurin ang kalaban.
Mga
problema’y biglang dumating, tila isang bagyo,
Ako’y nanlumo
sa pinagdaraanan kong ito,
Kaya sa
kaniya’y dumistansya na hilaga’t timog ang layo,
Tinahak ang
mundong mapaglaro.
Akin ko na
siyang tinataboy,
Masasakit na salitang tila
apoy,
Ngunit ito’y
kaniya lamang ininda na parang mahinang panaghoy,
Siya’y naging
manhid
tulad ng kahoy,
Sa aki’y
hindi sumuko,
Nanatili sa
tabi ko,
Paglipas ng
mga araw naisip ko,
Lahat-lahat
ng mga ginawa mong sakripisyo.
Lahat sila ako’y
iniwan,
Sa
pagkakamali na gawa ng kasalanan,
Ngunit ika’y
nandiyan pa rin,
Ako’y hindi
mo sinukuan.
Maraming
salamat, akin nang napagtanto,
Sa kabila ng
mga hindi magandang nagawa ko,
Ika’y
nanatili sa tabi ko,
Ako’y
talagang mahal na mahal mo,
Salamat saiyo
Jesu Kristo, na tagapagligtas ko.
No comments:
Post a Comment