Wednesday, January 18, 2017

Libro at Internet

          Sa panahon ng internet may laban pa ba ang mga libro? Magbabasa ka pa ba ng mga libro upang makuha ang mga sagot sa mga katanungan ng isip mo o uupo na lang at hahanap sa kompyuter at sa isang klik ay may kasagutan na sa iyong katanungan? Tama ang nasa Internet, tama rin ang nasa Libro. Nasa gumagamit nalang at umiintindi kung paano niya ito gagamitin at maisasabuhay ang mga silbi nito. Sa larangan ng pananaliksik Internet at mga Libro ang pangunahing batayan para maisagawa ang pagpapalaganap ng mga bagong tuklas ng siyentipiko at sa araw-araw na paglilimbag. Ang Internet at ang mga libro ay sumasaklaw sa parehas na lebel sa buhay ng tao, may mga taong nalilibang sa Internet at mayroon naman na mas nalilibang sa pagbabasa ng libro.
Ang Libro at Internet ay parehong mapagkukuhanan ng impormasyon. At makatutulong sa mga mag-aaral na makakuha ng sagot sa kanilang mga takdang aralin maging sa kanilang indibidwal na katanungan. Ito rin ay nakatutulong sa pagdagdag ng kanilang kaalaman patungkol sa mga bagay bagay.
Ang libro o aklat ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa papel. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito. Maaring ito ay magdulot ng kabigatan sa  pagdadala dahil sa  pagiging makapal o sa rami ng pahina nito. Ngunit sa kabataang nakikita natin na mayroong dalang libro ay nagpapakita ito sa kaniya ng pagiging masipag, sapagkat kahit na ganun kabigat ang mga librong kaniyang dala ay nagtitiyaga parin siyang dalhin iyon upang basahin at magkaroon ng ideya o kaalaman patungkol sa paksa ng librong kaniyang dala. Bawat nakapaloob na impormasyon sa Libro ay reliable hindi katulad ng nasa internet katulad ng Wikipedia, sapagkat ang wkipedia ay kahit sinong gustong maglagay ng impormasyon ay maaari, kaya hindi mo masasabing reliable ito.
Samantala, ang Internet o teknolohiya ay ginagamit upang mas mapadali ang mga bagay bagay. Maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anumang social networking sites tulad ng facebook at iba pa. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa Internet.
            Ang mga kabataan sa panahon ng teknolohiya nagiging maunlad ang antas. Sa mga nagaganap dito o mga pangyayari ay mas madali nating nalalaman dahil sa teknolohiya. Sa pamamagitan din ng paggamit ng teknolohiya ay mas napapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra, at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya. ito ay nakadudulot ng pagiging tamad ng kabataan ngayon. Dahil na imbis na ang isipa’y kanilang gamitin, sa kompyuter na sila umaasa. Sa pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon. Ito rin ay malaki ang impluwensya lalo na sa larangan ng gaming, maaaring makasira o makaapekto ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
            Ang libro at internet ay maaari rin magsanhi ng paglabo ng ating mga mata. Dahil sa radiation ng kompyuter at kung ang mga letra sa libro ay maliliit. Itong dalawang instrumento na parehong may malaking pakinabang sa kabataan ngunit ating alamin ang mga limitasyon sa paggamit nito, huwag itong abusuhin sa paggamit. Dahil sabi nga, lahat ng sobra ay masama.

 

7 comments:

  1. hi po! can i use this po as my basis to our group task?

    ReplyDelete
  2. who's the author of this work.

    ReplyDelete
  3. Umm..hi po! Pwede ko po bang gawing basis para po sa group work namin?

    ReplyDelete
  4. hello po..pwede ko po itong gamitin sa pagbibigay ko ng activity sa klase?salamat po

    ReplyDelete
  5. pwede po ba gamitin po sa module?

    ReplyDelete