Wednesday, January 18, 2017

Shallow

               Bakit nga ba tayo mabababaw? Masakit na katanungang may malaking pahayag. Mga kilos at pag-uugali na hindi natin napapansin ang nakikitaan ng pagiging mababaw natin. Tayong mga Pilipino ay mga talentado, ngunit pinapagpatuloy pa rin natin ang pagiging mababaw. Ito ba’y dala ng kulturang ating kinagisnan? Pati sa pagbabasa ay mukhang atin ng tinalikuran. Ito ang mas nagpapakita ng ating pagkababaw, dahil ni hindi natin magawang magbasa. Kung akala mo’y alam mo na ang lahat, doon ka nagkakamali. Subukang magbasa sapagkat malaki ang maitutulong nito sa atin.
            Isa ako sa taong mababaw, ngunit hindi lahat ng mababaw ay negatibo, may mga katangian tayo na hindi naman talaga nagpapakita ng mababaw kundi ito’y ugali na hindi dapat paunlarin. Taliwas sa inyong pagkakaalam ang taong mababaw sa mabuting paraan ay nagpapakita ng hindi kailangan ng malaking halaga o mga bagay na mahirap kunin para maging masaya, nagpapakita rin ito ng pagiging kontento ng tao. Ang mga taong hindi nakokontento ay ang mga taong nagiging masama, dahil sa mga hangad nila. Mas marapat na magpasalamat sa kung anong meron ka. Alam niyo rin ba na ang mga taong mababaw ay marunong magpahalaga sa mga maliliit na bagay. Ganunpaman alam ko ang kahalagahan ng pagbabasa, dahil ito’y nakapagpapalawak ng ating isipan at nakapagdaragdag ng mga bagong kaalaman, ngunit dahil na rin sa mga makabagong gadgets ay nawawalan na ang karamihan ng interes sa pagbabasa ng mga libro at nagiging tamad na rin dahil sa teknolohiya.

            Tanggapin natin ang mga masakit na katotohanan, dahil mas mabuti ng tayo’y masampal ng katotohanan na makapagpapagising at makapagbabago sa ating kamalian kaysa sa halikan nang kasinungalingang magpapalala ng sakit sa oras na ito’y huli na. Atin ring baguhin ang ating pananaw. Gawing inspirasyon ang ating kamalian patungo sa maganda at bagong pamumuhay na dito’y magsisilbing aral sayo. Huwag magpapaapekto sa kung anong sabihin nila, manatiling mapagkumbaba sa lahat ng bagay. Alamin muna ang katotohanan ng iyong narinig sa iba, upang magkaroon ng sapat na kaalaman para huwag maloko ng mga taong mapagsamantala. Higit sa lahat ay magkaroon ng mabuting ugali o asal dahil ito’y hindi natututunan o nababago ng basta-basta.

No comments:

Post a Comment